Gaano katagal ang pinakamatagal mo na gising?
Ilang oras?
The last time i stayed awake for more than 24 hours was in college.
Many ages ago.
During a thesis week.
I remember it being fun.
Puyat at pagod pero masaya.
Unlike last week.
I stayed awake for more than 38 hours.
At hindi lang basta awake na nakatunganga.
Or nagpe-Playstation.
Gising na gising...
Habang naghuhukay ng utak...
At pinapagalitan buong magdamag.
Every one and a half hours, sinasabihan ng "WRONG!"
Sa buong 38 hours na gising, walang libreng sandali para magpahinga.
Tuloy tuloy na impyerno.
Walang oras para man lang mag lunch.
O mag meryenda.
Minsan napapaisip ako, ganito ba talaga ang gusto kong buhay?
Nagpapakahirap para mag benta ng mga bagay
na hindi naman talaga kailangan in the 1st place?
Tatanda ba ako ng ganito?
Dugo, luha, bituka ang pinipiga para lang sa isang 30 second na patalastas.
Tapos pag labas sa TV, ni hindi man lang pinapansin.
Tatlumput walong oras na walang tulog.
Kapalit kalahating minuto sa TV.
Buti sana kung mukha ko yung nakalagay dun, at least sisikat ang mukha ko.
O kaya may disclaimer na "This komersyal was lovingly conceptualized by someone who did not sleep for almost two days just to beat the deadline."
Pero wala naman eh.
Ano bang nakukuha ko dito?
Kasikatan? Ayoko nun.
The joy of seeing your finished work?
Sa iba na lang ako maghahanap ng joy.
Art? Fuck it. This is not art.
...
Malaking sweldo?
...
Fine. Back to work. May deadline pa bukas. Bawal ulit matulog.